Ano ang SentBe Wallet?

Ang SentBe Wallet ay isang serbisyo kung saan puwede kang mag-charge, mag-imbak, at mag-withdraw ng pera sa iba't ibang paraan, tulad ng Korean bank account, ATM, at convenience store.

Kung nakumpleto mo ang ID verification at account verification, puwede kang mag-imbak ng hanggang KRW 2,000,000 sa SentBe Wallet. Kung hindi mo makumpleto ang account verification dahil wala kang Korean bank account, puwede kang mag-imbak ng hanggang KRW 500,000.

Ang balance sa Wallet ay magagamit sa parehong domestic at international na padala (gayunpaman, para sa international na padala, magagamit lamang ito kung na-isyu ito sa iyong tunay na pangalan at ire-refund sa SentBe small-amount overseas remittance account).