Account Security Tips
Panatilihing ligtas ang inyong mga personal na detalye.
- Upang maiwasan na ma-access ng ibang tao ang inyong account at maging biktima ng financial fraud o anumang scam, iwasang ibahagi ang password ng iyong account o auto-debit PIN code sa kahit na sino.
- Hinding hindi hihingiin ng SentBe Customer Support ang kahit na anong password sa inyong account lalong lalo na ang auto-debit PIN.
- Ang mga scammers ay maaring gumawa ng mga pekeng SNS account or page gaya na nagpapanggap na SentBe Customer Support at hihingiin ang inyong personal na detalye kasama ang Auto-debit PIN, HUWAG NA HUWAG itong ibigay.
- Kung kayo ay hindi sigurado kung ito ba ay totoong galing sa SentBe, maaring kumontak lamang sa opisyal na SentBe Customer Support sa inyong SentBe app.
Kahina-hinalang gawain
- Kung kayo ay nakatanggap ng SMS mula sa pag log-in na hindi kayo ang nag log-in, maaring ipagbigay alam ito agad sa Sentbe Customer Support.