Paano magpadala ng pera gamit ang SentBe?

Inaalis ng SentBe ang mga hindi kailangang hakbang mula sa pag-sign up hanggang sa pagpapadala, para mabilis at madali ang iyong international remittance.

Mag-sign up sa loob ng 5 minuto, at magpadala sa loob ng 1 minuto!

1. Pag-sign up at Identity Verification

Sa SentBe app, kumpletuhin ang verification ng iyong mobile number, ID, at personal na impormasyon.

2. Pag-fill out ng Remittance Application

Pagkatapos mag-log in, i-fill out at i-submit ang remittance application.

3. Pagkumpleto ng Bayad

Kung virtual account ang gagamitin, ideposito ang halaga ng padala sa SentBe virtual account sa loob ng 6 na oras. (Gayunpaman, para sa mga residenteng Korean national, kailangang magdeposito sa loob ng 1 oras kapag nagpadala ng halagang lampas sa itinakdang limit.)

Kung Auto-debit ang gagamitin, agad na ipoproseso ang padala kapag inilagay mo ang iyong payment password.

Makakatanggap ka ng update sa status ng transaksyon sa pamamagitan ng SMS, email, o KakaoTalk message.